Relief supplies para sa Region 3 inihahanda na ng pamahalaan dahil sa posibleng epekto ng La Niña

Relief supplies para sa Region 3 inihahanda na ng pamahalaan dahil sa posibleng epekto ng La Niña

Dahil papasok na ang panahon ng tag-ulan o La Niña, may inihanda ng relief supplies si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga taga-Region 3.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families sa Senator Edgardo Angara Convention Center sa Baler, Aurora, sinabi nito na ito ay para matiyak na nakahanda ang pamahalaan.

Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Marcos na natapos na ang konstruksyon ng Aguang River Flood Control Structure Project sa Baler.

Malaking tulong aniya ito upang mapigilan ang matinding pagbaha at malaking pinsala na dulot ng pag-apaw ng Aguang River.

Ginagawana rin aniya ang pagsemento ng daan na nag-uugnay sa mga taniman ng niyog mula sa bayan ng Dinalungan patungo sa iba’t ibang pamilihan sa lalawigan ng Aurora.

Halos kalahati na rin aniya ang natapos sa pagpapagawa ng Dingalan–Baler Road Project na nagkakahalaga ng mahigit P4 bilyon.

Ito ay direktang mag-uugnay sa dalawang tanyag na bayan ng Aurora upang mas mapabilis pa ang daloy ng kalakal, transportasyon, at turismo sa lugar.

Hinahanapan na rin ng solusyon ni Pangulong Marcos ang mga inabandonang proyekto ng APECO na nagkakahalaga ng halos P800 milyon.

Patuloy din aniya ang pagbabalangkas sa paggawa ng Baler Airport Development Project. Mahalaga ito upang maaari nang makatanggap ng mas malalaking eroplano at dumami pa ang pasahero sa Aurora. (CY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *