DSWD at DA namahagi ng tulong pinansyal at mga kagamitan sa bayan ng Infanta, Quezon

DSWD at DA namahagi ng tulong pinansyal at mga kagamitan sa bayan ng Infanta, Quezon

Pinangunahan ni 1st District Cong. Mark Enverga ang pamamahagi ng tulong pinansyal katuwang ang programa ng DSWD na AICS kasama ang mga opisyal nito mula sa Region at ganun ang Department of Agriculture na namahagi ng mga kagamitan at abono para sa mga magsasaka sa Bayan ng Infanta, Quezon.

Kasama ang mga opisyal ng nasabing dalawang ahensya sa pamamahagi ganun din sina Infanta Vice Mayor L.A Ruanto, Konsehal Owie Cuento, Konsehal Kirk Gurango, Konsehal Mannie America, Konsehal Sherwin Avellano at mga barangay kapitan na nakiisa sa naturang aktibidad.

Umabot sa mahigit 2,000 benepisyaryo ng AICS mula sa DSWD ang nakatanggap ng ayuda at iba’t-ibang kooperatiba naman ang tumanggap ng mga kagamitang pangsaka at mga fertilizers upang maging mas epektibo ang kanilang pagtatanim na umaasang magiging maganda ang ani nito.

Sa talumpati ni Cong. Enverga, sinabi nito kailangan ang suporta para sa mga magsasaka dahil dito nakasalalay ang ating mga pagkain upang tayo ay mas madaming mabibili sa merkado.

Nagpasalamat naman si Infanta Vice Mayor L.A Ruanto sa mga ahensyang patuloy na nagbibigay ng suporta sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng kanilang masigasig na kongresista na halos Linggo Linggo ay nababa sa mga kanayunan upang mabigyang pansin ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan katuwang dito ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan at ang Sangguniang Panlalawigan na patuloy na nagbibigay ng iba’t-ibang magandang serbisyo, proyekto at samu’t saring programa. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *