98,000 mag-aaral sa Muntinlupa City may libreng ‘MUNwalk’ rubber shoes at school supplies

98,000 mag-aaral sa Muntinlupa City may libreng ‘MUNwalk’ rubber shoes at school supplies

Wala nang “sana all”.

Ito ang pahayag ni Mayor Ruffy Biazon sa mga mag-aaral at magulang ng Muntinlupa City matapos i-anunsyo na patuloy ang distribusyon ng libreng sapatos at school supplies ngayong taon sa lahat ng mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod.

Noong 2023 ay black leather shoes ang ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod,makatatanggap ang mga mag-aaral ngayong parating na taon panuruan ng MUNwalk sneakers kasama ng school bag at school supplies.

“Tulong ito ng Pamahalaang Lungsod para sa mga kabataang Muntinlupeño at kanilang pamilya lalo ngayong patuloy ang pagtaas ng bilihin,” saad ni Mayor Biazon.

Ayon pa sa alkalde mataas na kalidad, matibay at maipagmamalaki ang MUNwalk sneakers na mayroong stylish design na magagamit sa loob at labas ng paaralan.

Bukod sa rubber shoes, bawat public school student mula kinder hanggang Grade 12 ay makakatanggap din ng school bag, notebooks, lapis o ballpen, at pad paper. Ang mga mag-aaral sa early childhood education centers ay mabibigyan naman ng water bottle, school bag, notebooks, pad paper at set of crayons.

“Gusto nating mabawasan ang mga balakid sa pag-aral ang mga bata. Gusto nating may access sila sa mga oportunidad para magtagumpay sa buhay,” ayon kay Mayor Biazon.

Target ng Pamahalaang Lungsod na ipamahagi ang libreng sapatos at school supplies bago ang pagsisimula ng pasukan sa July 29. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *