Luzon Grid muling sasailaim Red Alert at Yellow Alert

Luzon Grid muling sasailaim Red Alert at Yellow Alert

Muling iiral ang Red Alert at Yellow Alert sa Luzon Grid ngayong araw ng Huwebes, May 23.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hindi sapat ang operating reserves para sa suplay ng kuryente sa Luzon.

Iiral ang Yellow Alert sa sumusunod na mga oras:

12:01PM – 1:00PM
5:01PM – 6:00PM
10:01PM – 12:00AM

Habang iiral naman ang Red Alert sa sumusunod na mga oras:

1:01PM – 5:00PM
6:01PM – 10:00PM

Ayon kay Meralco Spokesman at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, inabisuhan na nila ang mga kalahok sa interruptible load program (ILP) para sa kanilang de-loading commitments upang mabawasan ang demand sa Luzon power grid.

Hinihikayat din ang publiko na magpatupad ng energy conservation at efficiency measures para makatulong sa pagbaba ng demand. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *