PCG naglatag ng oil spill boom sa palibot ng Cessna plane na sumadsad sa karagatan ng San Fernando City La Union

PCG naglatag ng oil spill boom sa palibot ng Cessna plane na sumadsad sa karagatan ng San Fernando City La Union

Naglatag ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) sa palibot ng Cessna plane na sumadsad sa karagatang sakop ng Barangay Canaoay, San Fernando City, La Union.

Nangyari ang pagsadsad at pagbaligtad ng Cessna plane araw ng Martes, May 21.

Agad rumesponde ang mga tauha ng Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) at katuwang ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ay binigyan ng first aid ang mga sakay ng Cessna plane at saka dinala sa ospital.

Dalawang 25-meter oil spill booms ang inilatag sa palibot ng Cessna plane para makontrol ang posibilidad na oil spill.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *