Yellow Alert iiral sa Luzon at Visayas Grid ngayong araw, May 14
Muling iiral ang yellow alert sa Luzon Grid at Visayas Grid ngayong araw ng Martes, May 14.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang available capacity para sa Luzon Grid ngayong araw ay 14,963MW habang ang peak demand ay 13,871MW.
Iiral ang Yellow Alert sa Luzon Grid sa sumusunod na mga oras:
1:00PM-5:00PM
8:00PM-10:00PM
Samantala manipis din ang reserba ng kuryente sa Visayas.
Ayon sa NGCP, ang available capacity sa Visayas Grid ngayong araw ay 2,877MW habang ang peak demand ay 2,646MW.
Iiral ang Yellow Alert sa Visayas Grid sa sumusunod na mga oras:
1:00PM-4:00PM
6:00PM-9:00PM