Halaga ng kompensasyon na naipamahgi sa mga bitkima ng Marawi Siege umabot na sa P1248M
Aabot sa P148 milyong halaga ng komopensasyon ang naipamigay na ng Marawi Compensation Board sa 118 na biktima ng Marawi Siege noong 2017.
Ayon sa Presidential Communications Office, naipamahagi ang pondo noong Abril 30 bilang death claims, structural at personal property claims.
Sinabi naman ni MCB Chairperson, Atty. Maisara Dandamun Latiph na ang kompensasyon ay alinsunod na rin sa Republic Act 11696 na nag-aalok ng tulong legal para makuha ng mga biktima ng Marawi Siege ang karampatang benepisyo dahil sa pagkasira ng kanilang mga ari arian, at pagkasawi ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa pagkubkob ng mga terorista.
Kabilang sa inihaing ga claims ay ang Structural Property Claims (SPC), Death Claims (DC), Personal Property Claims (PC), Other Property Claims (OPC), at Multiple Claim (MC). (DDC)