Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 92 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani Island, 6:24 ng umaga ng Martes, Apr. 30.
May lalim na 42 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)