Limang naglalaro ng Cara y Cruz inaresto matapos mahulihan ng shabu at baril sa Taytay, Rizal
Arestado ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station ang limang suspek habang nasa aktong naglalaro ng Cara y Cruz.
Maliban sa ilegal na pagsusugal ay nakumpiska pa sa mga suspek ang halos P200,000 na halaga ng hinihinalang shabu at baril sa Brgy. San Juan Taytay, Rizal.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ang mga otoridad nang maaktuhan ang mga suspek na nag-uumpukan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Alyas Daniel Liit, 34-anyos, Alyas Lui, 41-anyos, Alyas Anye, 49-anyos, Alyas Baks, 56-anyos, at Alyas Titoy, 38-anyos.
Nakuha sa kanila ang 3 pakete ng hinihinalang shabu, isang Black Widow Calber 22 pistol at 10 bala.
Nahaharap sila sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, R.A 10591 o Firearms Law at Anti-Illegal Gambling. (DDC)