Deadline para sa consolidation sa ilalim ng PUV Modernization Program hindi na palalawigin ayon kay Pang. Marcos

Deadline para sa consolidation sa ilalim ng PUV Modernization Program hindi na palalawigin ayon kay Pang. Marcos

Hindi na palalawigin pa ng pamahalaan ang deadline para sa franchise consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa Bagong Pilipinas Townhall Meeting na ginanap sa San Juan City, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin pa ang deadline matapos niyang aprubahan ang extension nito.

“Aayusin… tinitiyak lang namin na hindi mapabigat pa ang babayaran at ang iuutang ng drayber, operator kaya’t ginagawa nating maayos at ginagawa nating well-organized ‘yung sistema na ‘yan,” ayon sa pangulo.

Nagpasalamat ang pangulo sa mga transport organizations sa pakikipagtulungan sa gobyerno para sa programa na layong matugunan ang traffic congestion sa Metro Manila at mapagbuti ang transport system.

Ayon sa pangulo inatasan niya ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magpatupad ng mga hakbang upang masolusyonan ang illegal operation g mga sasakyan na bumibiyahe ng walang permit.

Magugunitang sa halip na Enero ay inaprubahan ni Pangulong Marcos na palawigin hanggang April 30, 2024 ang deadline para sa consolidation ng mga PUV. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *