Mga pamilyang nasunugan sa Merida, Leyte pinagkalooban ng tulong ng DSWD

Mga pamilyang nasunugan sa Merida, Leyte pinagkalooban ng tulong ng DSWD

Nagpadala ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-region VIII sa mga nabiktima ng sunog sa Merida, Leyte.

Ang apat na pamilyang nasunugan ay tumanggap ng 2 family food packs (FFPs), 3 boteng 6-liter drinking water, 1 hygiene kit, 1 family kit, 1 sleeping kit, 1 kitchen kit, at 1 foam na maaari nilang matulugan.

Sa kabuuan, umabot sa 8 FFPs at 32 non-food items ang naipamahagi ng ahensya, na may kabuuang halagang P44,648.

Patuloy ang koordinasyon ng ahensya sa lokal na pamahalaan para sa mga susunod na hakbang upang mapalawig ang tulong sa mga apektado ng sunog. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *