P5.8B na pondo para sa pagtatayo ng mahigit 1,800 na silid-aralan inaprubahan ng DBM

P5.8B na pondo para sa pagtatayo ng mahigit 1,800 na silid-aralan inaprubahan ng DBM

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P5.830 bilyon para sa pagtatayo ng 1,834 bagong silid-aralan sa 216 na lugar sa buong bansa.

Ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan ay proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd).

Ayon kay DBM Secretary Mina F. Pangandaman, ang pondo ay mapupunta sa unang batch ng Basic Education Facilities (BEF) Fund ng DepEd.

Saklaw ng BEF ang pagpapaganda at pagpapanatili ng mga pasilidad ng paaralan tulad ng pagbibigay ng mga silid-aralan at workshop buildings, pagpapalit ng mga lumang at sira-sirang gusali, pagkakaloob ng mga gamit, pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga silid-aralan.

Bahagi ng inilabas na pondo ay gagamitin para sa pagtatayo, pagpapalit, at pagkumpleto ng mga gusali ng kindergarten, elementarya, at sekondarya, gayundin ng mga technical vocational laboratories.

Kasama din sa proyekto ang pag-install o pag-upgrade ng mga pasilidad para sa mas maayos na access sa mga mag-aaral na PWDs. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *