PAL maglulunsad ng nonstop flights patungong Seattle

PAL maglulunsad ng nonstop flights patungong Seattle

Ilulunsad ng Philippine Airlines (PAL) ang nonstop flights sa Manila at Seattle simula sa Oct. 2, 2024.

Ang PAL ang magiging kauna-unahang carrier na magkakaroon ng direktang biyahe patungo sa naturang U.S. Pacific Northwest region.

Ayon sa PAL, simula sa Oct. 2, magkakaroon ng Manila-Seattle at Seattle-Manila flight tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo.

Ayon sa datos, mahigit 900,000 Americans ang bumisita sa Pilipinas noong 2023 at ang U.S. ang second largest source of tourists ng bansa.

Binati naman ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang Philippine Airlines sa panibagong expansion ng ruta nito sa U.S. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *