Access sa FB page nabawi na ng Coast Guard
Nabawi na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Facebook page nito makaraang muling mapasok ng hackers noong March 29 ng tanghali.
Ayon sa pahayag, dakoong alas 9:00 ng umaga ng Apr. 2 ng ma-recover ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang full access to sa official Facebook page.
Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, nnakipag-ugnayan ang CGPAS sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa Meta para makapagsagawa ng backend operations at asessement sa nangyaring security breach.
Magsasagawa din ang CGPAS ng hardware check katuwang ang IT experts mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para mas mapagtibay pa ang kanilang cybersecurity measures.
Magugunitang noong Pebrero ay napasok din ng hackers ang Facebook page ng PCG. (DDC)