MMDA magpapalabas ng Notice of Violation laban sa 2 private contractors

MMDA magpapalabas ng Notice of Violation laban sa 2 private contractors

Nakatakdang mag-isyu ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng notice of violations laban sa dalawang private contractors ng telecommunication company dahil sa hindi natapos na trabaho sa kalsada sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) nitong Semana Santa o Holy Week.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na ang private contractors ng Globe Telecom na HGC Global Communications at RLink Corporation na parehong nagsagawa ng underground installation ng fiber optic cable sa bahagi ng EDSA southbound na nabigong sumunod sa kondisyon ng ahensiya.

Kabilang sa hindi nasunod na kondisyon ay ang dapat na matapos, maaliwalas at madaraanan na ang lugar pagsapit ng 5:00 ng umaga ng Abril 1.

Pinayagan ng MMDA ang government at private construction projects na magsagawa ng round-the-clock na paghuhukay at pagsasaayos ng kalsada mula noong 11:00 ng gabi ng Marso 27 hanggang 5:00 ng umaga ng Apr. 1.

Sa 40 manholes na binuksan, ay 24 ang iniwang nakatiwangwang ayon sa MMDA.

Ang dalawang kumpanya ay pagmumultahin ng P50,000 kada paghuhukay bawat araw.

Ang pagpapataw ng mabigat na parusa ay base sa MMDA Regulation No. 23-001, series of 2023.

Idinagdag pa nito na nagpasya ang MMDA at DPWH na tabunan nv semento ang open diggings o nakabukas na hukay upang magamit ng motorista ang kalsada.

Pinag-aaralan na rin ng MMDA ang posibilidad na pagbabawal o pagban sa dalawang private contractors ng Globe Telecom mula sa pag-aaplay ng excavation permits.

Samantala pinuri ni Artes ang DPWH dahil natapos nito ang road works sa panahon ng Kuwaresma.

“I would like to commend DPWH for the completion of road works on major thoroughfares. This is beneficial to the commuting public,” sabi ni Artes. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *