Halos 800 pang PDLs ng BuCor, lumaya na

Halos 800 pang PDLs ng BuCor, lumaya na

Aabot sa kabuuang 783 pang persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) sa buong buwan ng Marso 2024 mula sa iba’t ibang prisons and penal farms nito.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na tumaas ito ng 77 PDLs kumpara sa lumaya noong Pebrero na 706.

Sa datos ng BuCor umabot na sa kabuuang 12,836 PDLs ang nakalaya simula ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon pa kay Catapang ang mga lumaya para sa Marso ay binubuo ng 132 na naabsuwelto, apat ang nakalaya sa pamamagitan ng pagpiyansa, dalawa sa conditional pardon, 528 ang nakatapos ng kanilang maximum na sentensiya o hatol, 20 ang nabigyan ng probation, at 97 naman ang napagkalooban ng parole.

Sa natyrang bilang, 149 rito ay galing sa New Bilibid Prison-Minimum Security Compound, 146 mula sa NBP Maximum Security Compound, 99 sa NBP- Medium Security Compound, 96 sa Davao Prison and Penal Farm, tig-65 naman buhat sa Correctional Institution for Women at Iwahig Prison and Penal Farm, 55 sa San Ramon Prison and Penal Farm, 48 sa Sablayan Prison and Penal Farm, 44 sa Leyte Regional Prison at 16 naman mula sa NBP-Reception and Diagnostic Center (RDC).

Samantala, nasa 500 pang PDLs mula sa Bilibid ang inilipat nitong Marso 31 patungong San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City bilang pagpapatuloy ng BuCor sa decongestion program nito.

Binubuo ito ng 200 PDLs mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC), 150 galing sa Maximum Security Compound at 150 sa Minimum compound kung saan iniskortan sila ng 150 corrections officers.

Bukod sa pagpapaluwag sa NBP, ang paglilipat ng PDLs ay karagdagan sa mga taong kinakailangan sa SRPPF para sa kanyang agricultural programs.

Ang Bucor ay nakapaglipat na ng kabuuang 2,248 PDLs mula sa NBP patungong Leyte Regional Prison, Iwahig Prison and Penal Farm, Davao Prison and Penal Farm, Sablayan Prison and Penal Farm at San Ramon Prison and Penal Farm simula pa noong Enero ngayong taon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *