Barko ng Indian Coast Guard nasa Pilipinas

Barko ng Indian Coast Guard nasa Pilipinas

Dumaong sa Port Area sa Maynila ang Indian Coast Guard (ICG) na “Samura Pahererar”.

Sinalubong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang barko ng India para sa kauna-unahang pagbisita nito sa bansa.

Dumating sa Eva Macapagal sa Pier 15 ang barko araw ng Lunes, March 25, 2024.

Ang “Samudra Paheredar” ang Second Pollution Control Vessel ng Indian Coast Guard na idinesenyo para sa pag-contain, pag-recover, at pagtanggal ng oil spills.

Sa apat na araw na pagbisita sa bansa, ang “Samudra Paheredar” ay magkakaroon ng serye ng aktibidad gaya ng community support program, walkathon at beach clean-up, facility tour, subject matter expert exchanges, Passing Honors at sporting event. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *