DOH nakapagtala ng 453 cases ng Pertussis o Whooping Cough sa unang 10 linggo ng kasalukuyang taon
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng Pertussis o Whooping Cough sa bansa.
Sa datos ng DOH, sa unang 10 linggo ng taong 2024 ay nakapagtala na ng 453 cases ng Pertusis sa bansa.
Higit itong mataas kumpara sa datos noong nagdaang mga taon.
Ayon sa DOH, sa unang 10 linggo ng taong 2019, nakapagtala lamang ng 52 cases ng Pertussis, 27 cases noong 2020, 7 cases noong 2021, 2 cases noong 2022 at 23 cases noong 2023.
Ayon sa DOH, ang disruptions sa routine immunization ang maaaring dahilan ng pagtaas ng kaso ng sakit ngayong taon.
Ang Pertussis o whooping cough o “ubong-dalahit” sa tagalog ay highly contagious na bacterial respiratory infection.
Nagdudulot din ito ng influenza-like symptoms gaya ng lagnat, sipon, at ubo.
Ginagamot ito ng antibiotics at maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna. (DDC)