Tangkang pagpupuslit ng mahigit P1M na halaga ng droga sa Antipolo City Jail, naharang ng mga otoridad

Tangkang pagpupuslit ng mahigit P1M na halaga ng droga sa Antipolo City Jail, naharang ng mga otoridad

Arestado ang dalawang babaeng suspek makaraang mahulihan ng shabu ng bisitahin ang kanilang live-in partner na nakakulong sa BJMP Antipolo, Sitio Pulong Banal Brgy. San Jose Antipolo, City.

Sa ulat na natanggap ni Police Colone, Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang magkapatid na suspek ay kinilalang sina Alyas SALY, 34-taong gulang at Alyas KATH, 39-taong gulang na pawang residente ng lungsod.

Base sa imbestigasyon ng Antipolo Component City Police Station, dadalawin sana ng mga suspek ang kanilang nakakulong na live-in partner.

Ngunit nang kapkapan ng mga tauhan ng BJMP Antipolo ay nakita ang dalawang nakataling plastic ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 200 gramo at nagkakahalaga ng P1,360,000.

Ang ilegal na droga ay ibinalot pa sa condom at itinago ng dalawang babae sa kanilang ari.
Ang mga ebidensyang nakumpiska ay isasailalim sa laboratory examination.

Samantala ang dalawang babae na dati ay dumadalaw lang sa kulungan ay humihimas na din ngayon ng rehas na bakal sa Antipolo Custodial Facility.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *