Appointment ng mga bagong opisyal sa DA inaprubahan ni Pang. Marcos
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment ng ilang mga bagong opisyal sa Department of Agriculture.
Itinalaga bilang Undersecretary ng National Rice Program ng DA si Christopher Morales habang si Cheryl Marie Natividad-Caballero ay itinalaga bilang Undersecretary for High Value Crops.
Si Morales ay isang agricultural engineer mula sa University of the Philippines-Los Banos na mayroong master’s degree sa development studies sa Erasmus University-Rotterdam sa The Netherlands.
Siya au dating assistant secretary sa Department of Tourism at nagsilbi din sa disaster risk reduction and management operations center ng DA.
Si Natividad-Caballero naman ay nagtapos ng sociology at psychology major sa UP, at master’s degree in technology management sa parehong unibersidad.
Nagsilbi din siyang DA undersecretary for agri-industrialization and fisheries.
Itinalaga din si Dexter Respicio Buted sa board ng Philippine Coconut Authority at ang negosyanteng si Joseph Rudolph Chan Lo bilang director IV ng DA.
Narito ang iba pang bagong appointees sa DA:
– Telma Cueva Tolentino, assistant secretary for finance
– Constante de Jesus Palabrica, assistant secretary
– Ernesto Celosa Enriquez, director IV for Internal Audit Service
– Larry del Rosario Lacson, director IV
– Abbey Charles Fabian Gawaran, director III, DA regional technical director for Region XI. (DDC)