Pang. Marcos magpapasaklolo sa Germany para sa energy transition efforts

Pang. Marcos magpapasaklolo sa Germany para sa energy transition efforts

Hihingi ng tulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Germany para sa energy transition efforts ng Pilipinas.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa pagdating nito sa Berlin para sa kaniyang tatlong araw na working visit.

Maliban sa energy transition efforts, magpapatulong din si Pangulong Marcos sa Germany sa manufacturing, healthcare, agriculture, aerospace, innovation and startups, IT-BPM, at minerals processing.

Sinalubong sina Pangulong Marcos at First Lady Liza ni Philippine Ambassador to Germany Irene Susan Natividad at iba pang opisyal sa Philippine Embassy sa Berlin.

Habang nasa Germany, magkakaroon din ng pulong si Pangulong Marcos kay German Chancellor Olaf Scholz para hingin ang expertise ng Germany sa renewable energy.

Makikipagpulong din si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Berlin. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *