Tourist attractions sa Gapan, Nueva Ecija isasara simula ngayong araw; mga bata isinasama kasi sa pamamasyal kahit bawal

Tourist attractions sa Gapan, Nueva Ecija isasara simula ngayong araw; mga bata isinasama kasi sa pamamasyal kahit bawal

Pansamantalang isasara ang lahat ng tourist attraction sa Gapan, Nueva Ecija simula ngayong araw, December 14.

Ayon kay Gapan Mayor Emeng Pascual, kabilang sa sarado ang plaza, night market at ang Lumang Gapan.

Ayon sa alkalde, sa kabila kasi ng bawal pa rin na lumabas ang mga bata ay isinasama pa rin sila ng mga magulang sa pamamasyal.

Nawawala aniya ang social distancing at nagkakaroon na ng mass gathering.

May mga pagkakataon pa ayon kay Pascual na ang mga magulang ay nakikipagtalo sa mga miyembro ng IATF at mga pulis.

Sinabi ni Pascual na mabuti sanang makitang masigla at masaya ang lungsod lalo na at papalapit ang kapaskuhan.

Pero dahil nananatili pa ang banta ng COVID-19, napagkasunduan ng IATF na pangsamantalang isarado na ang mga pasyalan sa Lungsod hangga’t hindi nakakahanap ng solusyon sa problema.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *