Publiko pinag-iingat ng DOH dahil sa patuloy na pag-init ng panahon
Ngayong unti-unti ng umiinit ang panahon naglabas ng payo ang Department of Health (DOH) sa mga pag-iingat na dapat na gawin ng publiko.
Ayon sa DOH, dapat iwasan ang paglabas ng bahay kapag katanghaliang tapat.
Kung mayroong lakad o kailangang asikasuhin, mas mainam na gawin ito ng umaga o hapon.
Dapat ding palagiang uminom ng tubig at masguot ng magagaan at maluluwag na damit. (DDC)