Lalawigan ng Benguet, bird flu free na ayon sa DA
Idineklara ng Department of Agriculture (DA) bilang “Bird Flu” Fee ang lalawigan ng Benguet.
Ito ay dalawang taon matapos magkaroon ng outbreak ng Bird Flu o avian influenza sa nasabing lalawigan.
Ayon sa pahayag ng DA, negatibo na sa H5N1 strain infections ang mga ibon na isinailalim sa pagsusuri sa Benguet.
Sa pagitan ng Feb. 2022 at Sept. 2022, tinamaan ng bird flu ang mga native na manok, bibe, turkey, at gansa sa lalawigan.
Kabilang sa naapektuhan ang Baguio City, at mga bayan ng Atok, Baguias, Itogon, La Trinidad, Sablan at Tublay.
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), mayroon pang 9 na lalawigan sa bansa ang hindi pa tuluyang nakaka-recover sa bird flu.
Kabiang dito ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Sultan Kudarat, Kalinga, Cagayan, at Bataan. (DDC)