Tulong ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa 4 na rehiyon sa bansa mahigit P537M na
Umabot na sa mahigit P537 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob sa mga pamilyang naapektuhan ng Shear Line, LPA at landslides sa Bicol Region, Davao Region, Caraga at Region XIII.
Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakapagtala ng 764,697 na pamilyang naapektuhan ng nabanggit na mga kalamidad.
Nakapamahagi na ang DSWD ng mahigit 584,000 na food items na aabot sa mahigit P393 million ang halaga.
Gayundin ng mahigit 1,500 na non-food items na ang halaga ay mahigit P2.4 million.
Patuloy din ang pamimigay ng cash assistance sa mga naapektuhang pamilya sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer (ECT) at Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS).
Ayon sa DSWD, mahigit 14,000 ang benepisyaryo ng ECT habang 29 na benepisyaryo naman ang napagkalooban ng AICS. (DDC)