Halos 500 illegal structures sa Baguio City ang giniba noong nakaraang taon
Halos 500 illegal structures sa Baguio City ang giniba noong nakaraang taong 2023.
Sa datos ng City Buildings and Architecture Office (CBAO), may kabuuang 489 illegal structures ang isinailalim sa demolisyon noong nakaraang taon.
Mayroon ding 31 kaso ang naisampa sa korte laban sa mga nagtayo ng ilegal na istraktura kung saan 2 na dito ang nahatulan, 3 ang nadaan sa settlement sa pamamagitan ng voluntary demolition at 23 ang nakabinbin pa.
Ayon kay City Building Officer Arch. Johnny Degay, sa 19 na demolition orders na naipalabas ni City Mayor Benjamin Magalong, 17 sangkot na istraktura ang nasa safeguarded lots gaya ng watersheds, forest reservations at road right-of-ways.
Mayroon ding dalawang istraktura ang nasa military reservation at isa ang nasa private lot.
Sa kabuuan, noong 2023 ay umabot sa 62 demolition orders ang naipalabas ni Magalong. (DDC)