PhilHealth walang programang loan o pautang
Pinag-iingat ng PhilHealth ang publiko sa mga post online na nagsasabing nag-aalok ng loan ang ahensya.
Ayon sa pahayag ng PhilHealth, wala itong iniaalok na loan program o pagpapautang.
Ipinaliwanag ng PhilHealth na ito ay isang health insurance na nagkakaloob ng benepisyo para sa pagpapaospital.
Kasama dito ang ilang outpatient procedures at maging primary care services sa ilalim ng PhilHealth Konsulta.
Para masiguro na tama ang mga impormasyong nababawasa, sinabi ng PhilHealth na bisitahin lamang ang www.philhealth.gov.ph at sundan lamang ang mga official social media account ng ahensya. (DDC)