Heightened security ipinatupad sa Kamara dahil sa bomb threat
Isinailalim sa heightened security ang House of Representatives matapos makatanggap ng banta ang ilang mga mambabatas.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, ipinatupad na ng House Sergeant at Arms ang mahigpit na security protocol.
Binanggit ni Velasco na nakatanggap ng banta ang ilang kongresista, empleyado at staff ng Kamara.
Ani Velasco, noong Enero pa natanggap ang pagbabanta.
Hindi naman idinetalye ng opisyal kung anong uri ang banta at kung saang grupo ito nagmula.
Pero ani Velasco, binanggit sa threat na maaaring bombahin ang Kamara. (DDC)