DOTr pinag-iingat ang mga commuter sa pagbili ng Beep card na ibinebenta sa isang Facebook page

DOTr pinag-iingat ang mga commuter sa pagbili ng Beep card na ibinebenta sa isang Facebook page

Pinag-iingat ng Department of Transportation (DOTr) at ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang mga commuter sa pagbili ng Beep cards mula sa hindi otorisadong seller online.

Ginawa ng DOTr ang pahayag kasunod ng pagkalat ng Facebook page na “Manila Metro” na nagbebenta ng “12 Month Free Subway Rides Card”.

Ayon sa DOTr, ang nasabing Facebook page ay walang kaugnayan sa kagawaran o sa iba pang attached agencies nito.

Hindi rin kumakatawan ang “Manila Metro” Facebook page sa AF Payments Inc., na nagmamay-ari ng Beep cards.

Pinaalalahanan ng DOTr ang mga commuter na mag-ingat sa pakikipagtransaksyon sa mga kahina-hinalang social media accounts.

Ayon pa sa pahayag, ang DOTr at AFPI ay walang inootorisa na pagbebenta ng “12 Month Free Subway Rides Card”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *