Pilipinas magiging aktibo sa pakikibahagi sa mga international environmental events

Pilipinas magiging aktibo sa pakikibahagi sa mga international environmental events

Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Delegation sa Conference of Parties (COP28) para talakayin ang resulta ng COP28.

Iniulat ni Department of Environment and Natural Resources Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang tungkol sa improvement ng energy capacity pagsapit ng 2030; transition mula sa fossil fuels sa energy systems; pagpapabilis sa zero-and-low emissions technologies at pagbabawas ng emission mula sa mga sasakyan.

Gayundin ang pag-adopt ng United Arab Emirates (UAE) Framework for Climate Resilience pagsapit ng 2030; commitment budget para sa Loss and Damage (LD) Funds; pagiging operational ng Loss and Damage katuwang ang World Bank, at ang panawagan para sa concessional at grant para sa climate change.

Kasabay nito ay iprinisinta ng kalihim ang
Nationally Determined Contribution (NDC) Implementation Plan 2023-2030, gayundin ang Philippine National Adaptation Plan (NAP) 2023-2050.

Sa pulong, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng partisipasyon sa international environmental events.

Makatutulong kasi anya ito sa influential at resourceful actions sa paglaban sa climate change sa Pilipinas.

Inatasan naman ng Presidente ang DENR at lahat ng kaukulang ahensya na gawing prayoridad ang pagtugon sa local environmental issues.

Matatandaang dadalo sana si PBBM sa UN Climate Change Conference sa Dubai noong Nobyembre pero nakansela ang biyahe nito. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *