PNP dapat tiyaking hindi nagkakaroon ng access ang mga menor de edad sa vape
Nanawagan si Health Secretary Teodoro Herbosa sa Philippine National Police (PNP) na tiyakin na hindi magkakaroon ng access sa vapes o electronic cigarettes ang mga menor de edad.
Ayon kay Herbosa, nagpadala siya ng sulat sa PNP para hilingin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas hinggil sa nasabing mga produkto.
Ang mga menor de edad ayon kay Herbosa ay hindi dapat nakabibili o nagkakaroon ng access sa vape.
Kung pagbabasehan ang datos noong 2009, ang insidente ng tobacco use sa bansa ay bumaba mula sa 29.7 percent patungo sa 19 percent na lang noong 2022. (DDC)