Bangka na pag-aari ng NAPOCOR nagkaproblema sa bahagi ng Romblon; 6 na sakay ang nailigtas

Bangka na pag-aari ng NAPOCOR nagkaproblema sa bahagi ng Romblon; 6 na sakay ang nailigtas

Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa maritime incident sangkot ang bangka na pag-aari ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa katubigan na sakop ng Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon.

Humingi ng tulong ang mga kinatawan ng NAPOCOR sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) San Agustin dahil sa nagkaproblemang motorbanca na NPC Spug-3.

Anim ang sakay ng bangka kabilang ang boat captain, 2 crew members, at 3 NAPOCOR personnel.

Agad na nagsagawa ng search and rescue (SAR) operation ang mga tauhan ng PCG.

Ligtas naman ang anim na sakay ng bangka.

Ayon sa PCG, ang NPC Spug-3 ay umalis sa San Agustin Port patungo ng Simara Island, Romblon.

Habang nasa biyahe ay nagkaproblema ang bangka.

Hinatak ng Coast Guard ang motorbanca at habang ang anim na sakay nito ay dinala sa San Agustin Port. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *