10-araw na Gun Ban ipatutupad sa Iloilo City para sa Dinagyang Festival

10-araw na Gun Ban ipatutupad sa Iloilo City para sa Dinagyang Festival

Magpapatupad ng Gun Ban sa Iloilo City sa kasagsagan ng selebrasyon ng Dinagyang Festival.

Ayon sa Iloilo City Police Office, ang gun ban ay iiral mula 12:01 ng madaling araw ng Jan. 19 hanggang 12:01 ng madaling araw ng Jan. 29.

Sinabi ni Police Colonel Joeresty Coronica, director ng Iloilo City Police Office, base ito sa memorandum na nilagdaan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Habang umiiral ang gun ban ay suspendido ang Permit to Transport and Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa buong lungsod.

Tanging ang mga miyembro ng PNP, AFP, at ibapang Law Enforcement Agencies (LEAs), na gumaganap ng kanilang trabaho ang papayagang magbitbit ng armas.

Maliban sa baril bawal din ang pagbibitbit ng iba pang deadly weapons.

Mahigpit na ipatutupad ng pulisya ang gun ban sa mga festival venue, procession routes, at iba pang kaakibat na aktibidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *