Mga residente mula sa 23 mga bahay sa Davao De Oro inilikas ng Coast Guard dahil sa naranasang pagbaha

Mga residente mula sa 23 mga bahay sa Davao De Oro inilikas ng Coast Guard dahil sa naranasang pagbaha

Tumulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa paglilikas sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Davao De Oro.

Partikular na inilikas ng mga tauhan ng Coast Guard Station Davao De Oro (CGS DDO) ang mga residente ng Brgy. Bucana at Brgy. Hijo at Maco.

Kabuuang 23 mga bahay ang napuntahan ng mga tauhan ng PCG para ilikas ang mga naninirahan doon.

Dinala pansamantala sa mga evacuation center ang mga inilikas na pamilya.

Nakaranas ng pag-ulan na sa Davao de Oro na nagresulta sa abot-bewang na pagbaha sa mga nabanggit na mga barangay.

Patuloy namang naka-antabay ang mga Coast Guard deployable response group kung kakailanganing magsagawa ng evacuation o rescue operation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *