Las Piñas City ginawaran ng mga parangal

Las Piñas City ginawaran ng mga parangal

Nagdiriwang ang Las Piñas City sa pagkakamit ng mga prestihiyosong pagkilala mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno dahil sa napakagaling nitong serbisyo publiko at pagpapaunlad ng komunidad.

Isinagawa ang simpleng seremonya sa Las Piñas City Hall grounds na dinaluhan ni Vice Mayor April Aguilar, mga konsehal ng lungsod, department heads at mga empleyado ng lokal na pamahalaan, na nagpapakita ng malakas na pakikipagkaisa sa komunidad.

Ginawaran ang Las Piñas ng Plaque of Recognition dahil sa aktibong pagganap ng tungkulin sa 2023 Parañaque KALIPI Summit na kumilala sa mahalagang kontribusyon nito sa pagpapa-angat sa katayuan ng kababaihan at sa pagtataguyod ng bansa.

Pinarangalan din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Las Piñas sa napakahusay na pagpapatupad ng Pantawid Pamilya Pilipino Program partikular ang napapanahong pagsumite ng kanyang monitoring tools at epektibong pagsagawa ng programa.

Bukod pa rito nakatanggap ng Certificate of Recognition mula sa Philippine Health Insurance Corporation ang Las Piñas City Public Information Office, at ng Most Outstanding Tourism Officers Club/Association award mula naman sa Association of Tourism Officers of the Philippines, Inc.dahil sa dedikasyon ng lungsod sa pangangalagang pangkalusugan at pagpapalago ng turismo.

Nagbigay ng karagdagang pagkilala ang National Press Club of the Philippines at ng DSWD para sa Las Piñas bunga ng pagsuporta sa mga mamamahayag sa komunidad at epektibong pamamahala ng social welfare programs kabilang ang KADIWA at Supplementary Feeding Programs na nagpapatunay sa tungkulin nitong pamunuan ang iba’t ibang sektor.

Ang nasabing mga parangal na ito ay sumasalamin sa pangako ng lokal na pamahalaan na mapagbuti ang pamumuhay ng mga residente at mga inisyatibang kontribusyon sa bansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *