iPhone na nahulog mula sa nagkaproblemang eroplano, natagpuang buo pa rin at walang sira
Hindi man lang nagtamo kahit crack o basak sa screen ang isang iPhone unit matapos itong mahulog mula sa taas na 16,000 feet.
Ang iPhone ay kabilang sa mga gamit na nahulog mula sa Alaska Airlines Flight 1282 ng magkaproblema ang fuselage panel nito na nag-iwan ng bukas na bahagi sa eroplano.
Dahil dito, nagliparan ang mga gamit ng mga pasahero kabilang ang cellphone, airpods at iba pa.
Nagawa namang makapag-emergency landing ng eroplano at ligtas ang lahat ng pasahero nito.
Sa X account ng isang Sean Bates mula sa Washington, ipinakita nito ang larawan ng napulot niyang iPhone na pinaniniwalaang kabilang sa mga nahulog na gamit mula sa erplano.
Maayos pa din ang screen nito, naka-flight mode at kita pa sa email ang resibo ng baggage na pinagbayaran ng pasahero.
Ayon kay Bates, hindi nagtamo kahit na galos ang cellphone. (DDC)