PCG tutulong sa pagtitiyak ng seguridad sa Traslacion 2024

PCG tutulong sa pagtitiyak ng seguridad sa Traslacion 2024

Tutulong ang Philippine Coast Guard (PCG) Commandant sa pagtitiyak ng seguridad sa idaraos na Traslacion ng Itim na Nazareno sa January 9, 2024.

Inatasan ni Coast Guard Admiral Ronnie Gil Gavan ang Coast Guard District NCR – Central Luzon (CGDNCR-CL) na umasiste sa Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng security operations.

Ayon kay Gavan, magde-deploy ang PCG ng Coast Guard K9 units para magsagawa ng paneling sa Quirino Grandstand, Jones Bridge, at sa palibot ng Quiapo Church.

Tutulong din ang ang mga tauhan ng PCG sa pagbabantay sa vicinity waters ng Pasig River at Manila Bay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng coastal patrols gamit ang mga floating assets nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *