MRT-3 ridership noong 2023 umabot sa mahigit 129 million
Tumaas ang bilang ng mga pasaherong sumasasakay sa Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) noong taong 2023.
Ayon sa datos ng MRT-3, nakapagtala ng mahigit 129 million na ridership noong nakaraang taon.
Mas mataas ito ng 30 percent mula sa mahigit 98 million ridership noong 2022.
Ayon kay Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 officer-in-charge Jorjette B. Aquino ang pagtaas ng bilang ng mga sumasakay sa MRT-3 ay bunsod ng mas pinabuti serbisyo at epektibong maintenance program sa linya.
Naging dahilan din ang pagbabalik na sa on-site work ng mga empleyado.
Ayon kay Aquino, sakay ng MRT-3, ang biyahe mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station ay 30 to 45 minutes na lang.
Bumaba na din sa 3.5 minutes to 4 minutes ang pagitan ng pagdating ng mga tren kapag peak hours.
Noong Dec. 2021 ay nakumpleto ang rehabilitasyon sa MRT-3 kung saan mula sa 30kph na bilis ay ibinalik na ito sa orihinal na 60kph. (DDC)