DOT nakapagtala ng mahigit 5.4 million na turistang bumisita sa Pilipinas noong 2023
Sa nagdaang taong 2023, sinabi ng Department of Tourism (DOT) na bumalik na muli ang sigla ng turismo sa bansa dahil sa pagdagsa ng mga turista.
Ayon sa year-end report ng DOT, mula Jan. 1 hanggang Dec. 31, 2023 ay umabot sa 5,450,557 ang naitalang international visitors ng Pilipinas.
Nahigitan nito ang 2023 target na 4.8 milyon.
Tiniyak naman ng DOT na magpapatuloy ang pagpapabuti sa Philippine Tourism sa ilalim ng National Tourism Development Plan 2023-2028. (DDC)