DOH nakapagtala na ng isang nasawi dahil sa paputok; kaso ng fireworks-related injuries umakyat na sa 443
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng unang nasawi dahil sa paputok.
Ayon sa DOH, isang 38 anyos na lalaki mula Ilocos Region ang nagsindi ng sigarilyo habang nakikipag-inuman malapit sa mga nakaimbak na paputok.
Sa inilabas na ulat ng DOH, nakapagtala na din ito ng unang kumpirmadong kaso ng stray bullet injury.
Isang 23-anyos mula sa Davao Region ang nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang likuran.
Ayon sa DOH, sa kabuuan umabot na sa 443 ang fireworks-related injuries na naitala.
Sa nasabing bilang, 441 ang dahil sa fireworks, 1 ang watusi ingestion, at 1 ang stray bullet injury. (DDC)