Pamahalaan nakikipag-ugnayan na sa gobyerno ng Japan matapos ang naitalang M7.6 na lindol ayon kay Pang. Marcos

Pamahalaan nakikipag-ugnayan na sa gobyerno ng Japan matapos ang naitalang M7.6 na lindol ayon kay Pang. Marcos

Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa gobyerno ng Japan para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa western Japan na naapektuhan ng malakas na lindol.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na labis nitong ikinalulungkot ang nangyari matapos ang pagtama ng magnitude 7.6 na lindol sa unang araw ng taon.

Ayon sa pangulo, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa Japanese Government para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pinoy doon.

“We are in close collaboration with the Japanese government to secure the welfare of our kababayans, who thankfully remain unharmed,” ayon sa pangulo.

Nag-alok din ang pamahalaan ng anumang maaaring maitulong sa Japan.

Tumama ang magnitude 7.6 na lindol sa Ishikawa District sa Central Japan umaga ng Lunes, Jan. 1, 2024. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *