Presyo ng LPG tumaas ng mahigit P37 sa unang araw ng taong 2024
Sinalubong ng pagtaas sa presyo ng Liquefied Petroleum gas o LPG ang unang araw ng taong 2024.
Sa abiso ng kumpanyang Petron, magpapatupad ito ng P3.40 na dagdag sa presyo ng kada kilo ng LPG.
Katumbas ito ng P37.40 na dagdag sa presyo ng 11-kilogram LPG cylinder.
Epektibo ang dagdag presyo sa LPG ng Petron, madaling araw ng Jan. 1, 2024.
Samantala ang kumpanyang Solane naman ayu mayroong P3.45 na dagdag sa presyo ng kanilang LPG.
Katumbas naman ito ng P37.95 na dagdag sa presyo ng kada 11-kilogram na LPG Cylinder.
Epektibo naman ang taas-presyo ng Solane umaga ng Jan. 2, 2024. (DDC)