DOH nakapagtala ng 116 na kaso ng fireworks-related incidents sa pagsalubong sa Bagong Taon
Umabot sa 116 na kaso ng fireworks-related incidents ang naitala ng Department of Health (DOH) sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa datos ng DOH, ang nasabing datos ay hanggang 5:59 ng umaga ng January 1, 2024.
Posibleng tumaas pa ang bilang kapag nakalap na ng kagawaran ang datos sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kasama sa nasugatan ang isang 11 month old na sanggol mula sa NCR na nagtamo ng sunog sa mukha at kanang mata dahil sa piccolo.
Habang isang 76 anyos na lolo mula sa Ilocos Region ang nasugatan sa kanang mata dahil sa Kwitis na kaniyang sinindihan.
Sa kabuuan, sinabi ng DOH na nakapagtala na ng 231 fireworks-related injuries sa bansa.
Pinakaramaring naitalang kaso ay sa NCR na mayroong 113 cases, kasunod ang Ilocos Region na mayroong 24 cases. (DDC)