Mas pinababang import rates sa bigas, mais, at meat products pinalawig ni Pang. Marcos
Pinalawig hanggang sa Disyembre ng susunod na taon ang mas pinababang import rates sa bigas, mais, at meat products para makatulong sa posibleng epekto ng El NiƱo.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 50 matapos magpahayag ng pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos kaugnay sa posibleng negatibong epekto ng tagtuyot sa presyo at produksyon ng bigas at mais.
Habang maaari ding makaapekto sa presyo ng karne ang patuloy na pagkakaroon ng kaso ng African Swine Fever.
Ang pagpapababa sa bayarin sa import duties ay tatagal hanggang sa Dec. 31, 2024.
Ang board ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang nagrekomenda kay Pangulong Marcos para palawigin ang pinababang import rates.
Sa ilalim ng Section 1608 ng the Republic Act No. 1086 o ang Customs Modernization and Tariff Act, may kapangyarihan ang pangulo ng bansa na itaas, ibaba o alisin ang bayarin sa import duty. (DDC)