Globe nakakuha ng mataas na grado mula sa kanilang customers kaugnay sa network improvements

Globe nakakuha ng mataas na grado mula sa kanilang customers kaugnay sa network improvements

Binigyan ng mataas na grado ng kanilang customers ang kumpanyang Globe kaugnay sa network improvements nito.

Batay ito sa latest ng independent survey na ginawa noong November 2020 kung saan aabot sa 1,200 na respondents ang nakilahok.

Mayorya ng Globe subscribers ang nagbigay ng positibong tugon sa survey tungkol sa kanilang network experience gamit ang mobile at broadband services ng Globe.

Ang survey ay ginawa ng Kantar, kung saan tinanong ang mga edad 13 hanggang 65 na subscribers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa Visayas, nakakuha ang Globe ng 94% na score.

Sa kabuuan, 92% ang nakuhang score ng Globe para sa limang lugar na isinailalim sa survey.

Lumitaw sa survey na 9 sa bawat 10 respondents ang nagsabing sila ay extremely satisfied sa serbisyo ng Globe.

Walo sa bawat sampung respondents naman ang nagsabing sila ay “satisfied”.

Partikular na binaggit ng mga subscribers na sila ay nasisiyahan sa mobile signal reliability ng Globe, general social media browsing usage, online calls at chat.

Tiniyak naman ni Ernest Cu, Globe President at CEO na magpapatuloy ang improvement efforts ng kumpanya para sa mas maayos na connectivity ng mga customer.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *