Biyaheng Naga-Legazpi-Naga ng PNR aarangkada na simula bukas

Biyaheng Naga-Legazpi-Naga ng PNR aarangkada na simula bukas

Matapos ang halos anim na taon ay bubuksang muli ng Philippine National Railways (PNR) ang biyaheng Naga-Legazpi-Naga simula bukas, Disyembre 27.

Apat na biyahe ang tatakbo sa higit 100-kilometrong haba ng riles mula Naga City, Camarines Sur hanggang sa Legazpi City, Albay, at pabalik.

Araw-araw, may dalawang biyahe mula Naga papuntang Legazpi. Dalawa rin mula Legazpi papuntang Naga.

Kaakibat nito ang pagbubukas ng tatlong istasyon sa naturang ruta: Travesia, Daraga, at Legazpi.

Titigil din ang tren sa istasyon sa Naga, Pili, Iriga, Polangui, at Ligao.

Walong flag stops naman ang daraanan ng ruta: Baao, Lourdes, Bato, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *