Pitong insidente ng indiscriminate firing naitala ng PNP

Pitong insidente ng indiscriminate firing naitala ng PNP

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng pitong inidente ng ilegal na pagpapaputok ng baril ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ang datos ay naitala simula noong Dec. 6 hanggang Dec. 25.

Sangkot sa insidente ng indiscriminate firing ang 2 pulis, 2 sundalo, isang sibilyan at 2 pa na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Ang dalawang pulis na sangkot ay mula sa Davao at Manila.

Ayon sa PNP, base sa imbestigasyon, isa sa kanila ang nagpaputok ng baril sa labas ng kanilang tahanan dahil sa problema sa pamilya.

Ang isang pulis naman ay nagpaputok ng baril makaraang hindi pansinin ng mga residenteng kaniyang pinagsabihan dahil sa sobrang pag-iingay.

Sa nasabing insidente ng pagpapaputok ay kapwa gumamit ng kanilang service firearms ang dalawang pulis.

Sinabi naman ni Fajardo na kinumpiska na ang armas ng dalawa.

Ang lima sa pitong nagpaputok ng baril ay pawang naaresto na at nahaharap na sa reklamo. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *