Ex-cons bawal pumasok sa prison and penal facilities

Ex-cons bawal pumasok sa prison and penal facilities

Pinagbabawal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpasok ng mga ex-convicts sa loob ng prison and penal facilities bilang hakbang upang pigilin ang pagdami at pagpasok ng mga kontrabando.

Sa isang memorandum order kamakailan na nilagdaan ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., inatasan niya ang Deputy Director General for Security and Operations, lahat ng prison and penal farm superintendents, kinauukulang opisyal at empleyado ng BuCor na sumunod sa mga memorandum order na inilabas noong 2011 at 2018 na nauukol sa mga pagbabawal sa pagpasok ng mga ex-convicts sa alinmang mga kampo ng bilangguan.

Ayon kay Catapang na sa ilalim ng nasabing mga memorandum, ang mga ex-cons ay hindi na papayagang makapasok sa anumang mga kampo ng bilangguan kahit na sila ay tinanggap bilang mga katulong, driver o boluntaryo sa mga relihiyosong organisasyon upang maiwasan ang paggamit ng naturang mga gawain bilang takip para sa anumang ipinagbabawal na aktibidad.

“Smuggling of contrabands is a very lucrative business in prison camps and some ex-cons find their way into the camps to do their illegal trade,” pahayag ni Catapang.

Maaaring payagang makapasok ang mga dating bilanggo na may mga nakakulong na kamag-anak upang bisitahin ang kanilang mga kaanak sa kondisyon na dapat kasama ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga bisita ng PDL.

Sa mga kaso na hindi kasama ang kanilang mga pangalan, maaari silang idagdag sa listahan sa kahilingan ng kinauukulang PDL at kapag ipinakita lamang na makikinabang ang PDL sa naturang pagbisita.

Babala ni Catapang, mahaharap sa kaukulang kaso ang sinumang BuCor personnel at Corrections officer na mapapatunayang lumabag sa nasabing kautusan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *