Chinese national arestado sa baril sa Parañaque

Chinese national arestado sa baril sa Parañaque

Inaresto ng otoridad ang isang Chinese national matapos makumpiskahan ng dalawang baril sa Parañaque City ngayong December 20.

Ang suspek ay kinilala sa alyas Jung, 37-anyos,isang Chinese national at nahaharap sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Dakong alas-12:50 ng madaling araw inaresto ang suspek sa harapan ng isang hotel sa Macapagal Blvd., Brgy. Don Galo, Parañaque City.

Nauna rito ilang concerned citizens ang nagreport sa mga tauhan ng MMDA kaugnay ng isang lalaki na may dalang baril, sakay ng isang Ford Raptor sa lugar dahilan upang rumesponde ang mga otoridad.

Narekober ang dalawang caliber 45, 13 pirasong bala at iba pang gamit ng suspek.

Ayon pa sa report nang lapitan ng mga operatiba ng Sto. Niño Police Substation ang suspek ay bigla na lamang umanong inihagis ang isang baril sa loob ng kanyang sasakyan.

Dahil dito sinuri ng otoridad ang loob ng sasakyan na nagresulta ng pagkakadiskubre ng naturang mga baril, ₱22,224 cash, Rolex watch, bracelets at cellphones.

Pinuri naman ni Southern Police District Officer-in-Charge Brig. General Mark Pespes ang MMDA officers at Parañaque City Police Station para sa mabilis na aksyon at maagap na hakbang sa pagbabantay sa katahimikan ng lungsod lalo na ngayong kapaskuhan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *