Tanggapan na tututok sa economic programs ng administrasyon, nilikha ni Pang. Marcos
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 49 na lumilikha sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) sa ilalim ng Office of the President.
Ang naturang tanggapan ang tututok at magtitiyak ng pagkakaroon ng effective integration, coordination at implementation ng iba’t ibang government investment at economic policies at mga programa na may kaugnayan sa ekonomiya.
Makatutulong din ang naturang tanggapan upang matugunan ang mga economic challenges na kinakaharap ng bansa.
Sa ilaim ng EO No. 49, ang OSAPIEA ay pamumunuan ng Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) na may ranggong Secretary.
Ang tanggapan din ang magtitiyak na nagbubunga o naisasakatuparan ang mga nakukuhang investment pledges ng bansa.
Ang paglikha sa nasabing opisina ay salig sa layunin ng pangulo na makamit ang pagkakaroon ng economic at social transformation. (DDC)